Tuesday, May 10, 2005

kailangan ko nang i-post to! (tutuloy ko na lang!)

Ano ba yan, ngayon pa lang ako makakapagsulat about what happened last monday, tapos siguro di ko pa to matatapos agad... Anyhoo, masimulan na rin nga!

It all started nung Friday, nung lumabas kami ni gino(hindi "date", na sinasabi ni gino...). Mga 4 na ata nun, umupo kami sa may food court at nagusap-usap, nangloloko kay rovy(hehe...)...Then gino told me na meron daw gimik sa monday involving lahat ng members ng band...(well, kung sino man ang interested pa ring sumama...). Kaya tuloy, hindi kami nanood ng sine...okie lang. Aymaygulay, 200 lang ata nagastos ko nung friday!haha cheap ko talaga nun....

So...who comes to mind pag may gimik ang banda?... Who do i want to go with me?... Sino gusto kong malibre?...Who do i want to explore g4 with?...(Hmmmm... sino kaya?)

The following day, may swimming yung Inside-Out at yung MYF sa may Sunrock resort sa may Antipolo, so sumama ako. Tinext ko siya nung umaga(i think....) nangangamusta lang...hehe I won't go into too much detail sa swimming except na na Angle Slam ko si Rv at nabuhat ko yung mga pinsan ko( sila kuya Gp at kuya Gemboy....ang bibigat nung mga yun!)... Around 3 ata(di ko matandaan, sunog sunog na kasi katawaan ko and it hurts like hell...), tinext ko si rovy about the gimik pero di siya nag reply. Shet...kinakabahan na ako nun... what if she doesnt get my message?hala..... After the swimming, nag makaawa ako sa mom ko na hindi ako aattend ng practice sa choir kasi ang sakit ng likod ko. buti na lang pinayagan ako, pinagalitan nga lang ng konti, pero ang bait talaga ng mom ko! So, first tinawagan ko si gino para matanong kung ano na nangyari... Naka chat daw niya si rovy at amy kwinento siyang plano na hindi maintindihan ni rovy(who can?haha)... Next, tinawagan ko si Rovy to confirm the gala....(fhgsdhfghsdghfghsdgfhgshdate na to!fgsefuuefusfuuehf) She said na magpapaalam pa siya sa parents niya, so sabi ko ok, sana payagan...then with a good nyt, nag goodbye ako sa kanya...

The following day(nanaman), pagkauwi ko sa bahay from church...kumanta pa rin ako nun (grabe, naka robe ka, walang electric fan para di liparin yung piece, at nakabukas pa yung spotlight...tumutulo na yung pawis ko!) bigla akong naka recieve ng text message, pag tingin ko, si rovy pala yun...sabi niya...........PINAYAGAN DAW SIYA!!!!!!!...naiimagine ko lang yung Haleluiah chorus playing in the back of my head. Asitg!!!!! Ipon na...wait...bukas na! kailangan kong magpull ng contacts!

Eto na!(at last), Monday na! Atat na atat na akong maka gala! Ang ganda ng araw... may konti lang pinagawa sa akin yung mom ko, sinamahan ko siya nung morning para pumunta sa isang client, pero we we're back by 8. No problem... And then she asked me to go the bank... napatingin ako sa relo, 9.30 napaisip ako na ok lang naman... no problem. It was almost ten sa office ng mom ko nung nakaalis na kami papuntang banko. Pagdating namin sa parking area, ANG RAMING KOTSE!!!! Pagpasok namin yung binigay sa aking number ay 56... and then i read..."Now serving: 33" PUCHA!!!! breathe in, breathe out... around 10:15, according sa clock sa bank, nasa may 42-43 palang kami...then i heard one of my favorite songs..."What a Wonderful World" by L. Armstrong, napaisip ako, " Kuya Jess, ginagago mo ba ako? Di kasi wonderful ngayon eh"... around 10:30, nasa 49 palang ata, nainip na ako, tumawag ako sa bahay at sinabi ko sa mom ko na kailangan nasa Ateneo na ako ng 11:30. Sabi niya sa akin na ok lang, umuwi na ako, si ate janice na daw ang bahala. Problema nga lang, yung driver namin sinundo yung dad ko...Bad 3p... Mga 10:45 na nung nasundo ako. Kasama yung dad ko, and....binigyan niya ako ng money!!!!! haha astig!!! so, nagmamadali akog umuwi kasi nakita ko na baka ma late na ako...then, bigla na lang pagtingin ko sa celll ko....10:30 pa lang!!!!!! Bwiset na banko yan, mali ang time sa relo! kinabahan pa tuloy ako ng todo!... So, anyhoo, pag uwi ko, nagmadali akong maligo kasi napansin ko, nangangasim na ata ako.haha ...


i'll just continue this blog another time.....stay tuned

0 Comments:

Post a Comment

<< Home