NYAHOOOOOOOOO...........uh.....wag na lang
First up ay yung FIRST OFFICIAL GIG ng Pineapple Sting sa SHS batch party. Ang...saya...pero nakakahiya nga lang. Ang role ko dun ay maracASS lang, so why nga ba na dapat akong mahiya? Kasi that's my point! Of all the Band members there, ako yung pinaka pointless ata yung ginagawa...haha(di siya nakakatawa) Anyhoo, It wasn't all bad, hehe I did get to meet up with a couple of rachel's friends(si rachel yung backup singer ng group), and one of them seemed really cute...shhh, quiet lang(more on that soon,,,,). BIG problema nga lang nung gig ay yung starting time na sinabi daw ay 6, which became 7, which then became 8. Nag start na siya ng close to 9 so ang tagal naming nagintay para sa mga babaeng yon(SHS is an all girl's school...hmmm) Hawaiian yung theme so yung mga babae ay mga naka beach wear!!!!(enter Haleluiah Chorus)
Yesterday nga pala was fun... Nag hahandle kami sa church ng pre-reg for summer camp yesterday, narun yung ilang mga staff, when all of a sudden sabi nung pinsan ko, "Uy mag bumpcars tayo..." akala ko naang loloko lang, so sabi namin sige ba. biglaan na lang umoo yung ibang mga staff rin. haha Si dave naman umokay pero hahatid lang daw niya yung mom niya pauwi. So nagintay kami... bigla ba namang sumama rin sila aldrin at yung iba pa sa inside out! tapos, dumating pa si jordel, so sama rin yan. 15 ata kami na pumunta sa bahay nila toy tapos nagintay kaming mailabas yung sasakyan. Yung KC na yung dinala namin kasi di kami magkakasya sa starex hehe. Puro mga nakapangbahay lang kami nung papunta kami sa Sta. Lucia(para malapit lang) habang nagpapasahan ng isang litro ng sprite....nuyahahahahahaha! Nagpark kami sa may 4th floor para malapit lang... Ang gugulo namin!!! Ang rami pa ata namaing pinuntahang iba kasi si ate neng may gusto atang bilin. Nung at last nakapunta na kami sa Worlds Of Fun, bili kami agad ng tickets para sa bumpcars. problema nga lang, 10 lang ata yung mga cars kaya na pilitan kaming mag pares. ok lang naman, kasama ko si paolo. Langhiya ang ingay namin sa linya! haha. sa sobrand dami namin, nagpauna pa kami ng ibang tao para lang magkakasama kami.Hiniram ni paolo yung phone ko habang nagmamaneho ako nakakuha ata siya ng 6 na video clips bago kami natapos. Kung nakit aniyo lang kami nun, nakatingin yung mga tao sa amin, siguro mga nagtataka na baka may fieldtrip yung mental hospital or something. Sobrang saya for only 10 pesos, haha. Nung natapos na kami don, mga 7:30 na ata, eh may kanta pa kami sa patay.(choir ako, bass 2. nyek!) Di bale na, wala na akong magagawa dun. Pumila naman kami para sa Horror Train(or Tunnel, nakalimutan ko na...) , na nasiraan ata ng dalawang beses bago pa kami nakasakay... Nung second time, sobrang lapit na namin, pero sinabi daw matatagalan ng konti, so bumili muna kami ni ate ruth ng ice cream sa labas. Sa mga nakakakilala sa akin, dalawang flavors lang ang malapit sa puso ko, vanilla and bubblegum. Since feeling cheap ako nung araw na yun, pumunta na lang kami sa pinakamalapit na Snowpy. Dyahe nga lang walang vanilla, and obviusly walang bubblegum dun. Bigla na lang nung paglingon ko, may Mini-melts!. Dito umiiral ang pagiging gayagaya ng pinoy, kasi ito yung sagot natin sa Dippin Dot's ng states. Same flavor, pero di kasing mahal! At biruin mo naman, may bubblegum at vanilla! Pagkatapos naming bumili, nagmadali na kami ni ate sa linya. Putcha,di pa rin tapos! So, enjoy muna, picture-picture sa kiddi rides. Nasita pa sila Aldrin ng attendant kasi may gustong gumamit na bata, pero nakasakay sila. Nung nakasakay na kami(at last!) ang sikip pala dun sa train! tapos magkatabi pa kami ni ate ruth sa likod, kasami namin sila aldrin, paolo, kenneth at rv. Di pa nagsisimula yung ride, naghihiyawan na kami, kaya nagtitinginan nanaman yung mga tao sa pila sa amin. Pag pasok namin sa tunnel, kun anoano yung mga design at props sa loob. Wala namang masyadong nakakatakot.....tapos biglang may humawak sa braso ko. Putangina, muntikan na akong maihi non sa takot wala! Sinigawan ko yung nakamaskara, then bigla na lang tumingin si ate ruth sa akin, kala daw niya nagbibiro lang ako, pero putcha, nagulat talaga ako! Ang malabo nga lang dun sa ride ay 3 beses kayo iikot. Nung una, nakakatakot talaga, Nung pangalawa, nakakagulat, pero nung huli...parang di na nakakaganang matakot pa... Just for fun, naghihiyaw pa kami sa labas, hehe. Sabi ni ate neng, uwian na daw, so bili muna kami ng pre-dinner snack. Bumili ako nung biggie na nachos sa nacho king with cheese and mushrooms(sarap ng mushrooms talaga....) 1/4 lang ata nakain ko kasi ang raming humingi! Nung pababa na kami from the 4th level parking, naghihiyawan pa rin kami!hehe...... good fun, although it's kinda stupid, but good fun nonetheless. Total na nagastos: 180 bucks lang! Now that's cheap!!!
Anyhoo nga pala, Happy Birthday sa pinsan kong si George Vincent Habacon, who turned 17 today! 29 days to go, ako naman!!!